Saturday, April 25, 2020

BATANG LANSANGAN



Paano ba mangarap ang isang batang sa kalye lang nagmula 

Paano humanap ng ngiti sa mundong puno ng pangungutya at pandidiri


Buhay na kahit sinong tao'y di papangaraping madama

Ang matulog sa karton na tulay lamang ang bubong at

Kumain ng panis na sayo'y lalason 

Pano ba malagpasan ang ang pagsubok na higit pa sa kamatayan ang parusa 

Kailangan kaya mabibigyan ng pantay na opurtunidad ang mga taong katulad nila 

Mga batang  ang hangad lamang ay makakain ng walang halong dumi ,masisilungan upang hindi ginawin sa gabi

Mga paslit na sahalip ay kumain lamang at maglaro 

Subalit kailangang magbanat ng buto't

Mamulot ng basura para sa kakarampot na barya

At minsan pa'y mangunguha ng pag aari ng iba 

Masisisi mo ba ang taong maging marahas dahil sa mundong humubog sa kanila 

Masisisi mo ba ang buhay na kinalakhan nila



Oh uunawain nalang dahil hindi ka nabibilang sa kanila.



-Arlene. (Photo credits to Ms. Catherine Joy Banta)

No comments:

Post a Comment