Kalungkutang nadarama
dahila'y 'di mawari
sa pagpatak ng ulan
kasabay ng pag agos ng luha
Masasayang nakaraa'y
tila ba naagos ng baha
mga ngiti sa labi
kailan ma'y di na nasilayang muli
Kalungkutan ng nakaraan
Sa pagpatak ng ula'y nagpapaalala
sugat sa puso'y naiwan
lunas ay 'di malaman
-Arlene
No comments:
Post a Comment