Sa bawat hakbang, ito ang aking dala
Kapayapaan at pagiging malaya
Paglakad sa kahirapan ay kasama
Dahil gusto mo’y makatulong sa iba
Pagmamalasakit sa mahal mong bayan
Ang iyong dahilan at naging sandigan
Kaming nahihirapan ay tinulungan
Dakila ka sa aming mamamayan
Ikaw nga sa ami’y naging sandalan
Pinaglaban kaming walang kakayahan
Dugo mo’y pumatak sa tigang na lupa
Ang sakripisyo mo sami’y nagpalaya
Hanggang sa kasalukuya’y kinikilala
Dakila mong ginawa sa bawat isa
Sa aming puso ay nakatanim pa rin
Oh salamat sa mabuti mong hangarin
-EJ
No comments:
Post a Comment