Saturday, April 25, 2020

LABAN NG BUHAY


Minsan kong naitanong sa aking magulang
Bakit kahirapan aming kinasadlakan 
Walang pantustus sa kinabukasan 
At magbatak ng katawan ay kinakailangan

Ngunit sumagi sa aking isipan
Buhay ng tao, iba iba ang anggulo
Minsan at maayos, minsan ay magulo
Kahirapan, Ginhawa at sumasaklolo

Maging matiyaga sa bawat sandali
Pangarap abutin at wag magmadali
Pagkakataon isiping mabuti
Pagkat bawat mali malaki ang lugi.

Kahirapan may dahilan, laging isipin yan
Kayat pagpupursige ang kinakailangan
Patuloy na mangarap at ito'y abutin
Habang may buhay patuloy lang ang Laban.
-Isabel

No comments:

Post a Comment