Wednesday, March 4, 2020

DIWATA


Mula sa malayong dako ikaw ay nakita
Ang malaking leon sa puso ko'y nais makawala
Sa bilis ng tibok nito, ang kidlat ay nagbadya
Ang bilis ng pag dating, nahulog nalang bigla

Nilapitan agad kita kasi ayaw na kitang makawala
Huhulihin ang tingin mo, ngiti ang nais kong makita
Ang pangarap kong halik sayo sana mag mula 
Kelan kaya ang puso mo ay makukuha?

Salamat sa Diyos ang panalangin ay natupad
Banayad mong haplos ang dumampi sa 'king palad
Agad na nahimlay dahil sa maganda mong tinig
Sa aking pag gising ikaw na ang iniibig

Oh diwata! nandiyan ka pa ba sa iyong tahanan?
Ang bilis mong nilisan ang lugar kung saan kita natagpuan
Tunay ang pagtingin ko sayo, dapat ko bang patunayan?
Sabihin mo sa akin, iaalay ko ang buong kagubatan

Matagal na akong naghihintay sa muli mong pagbabalik 
Sa bawat kaluskos ng dahon, ako'y nasasabik
Umaasa pa rin hanggang ngayon na muli kang lalapit
Pusong nalulumbay, may pag ibig pa kayang makakamit?

-Ej

MULING IBALIK


Sa pag dating ng malakas na alon
Natangay ang Pusong di makaahon
Maalat na dagat sa akin ay lumamon
Tuluyang nalunod sa alaala ng kahapon

Hindi makalimot sa panahong nagdaan
Paulit ulit binabalikan ang ating nakaraan
Nakatanim parin sa puso ko't isipan
Mga ngiti mong dulot ng ating pag-iibigan

Lumalalim na ang malungkot kong gabi
Ngunit wala ka pa rin sa aking tabi
Hanggang kelan hihintayin ang bukang liwayway
Magliliwanag pa kaya ang aking buhay

Para akong hayop na naliligaw sa kagubatan
Iniisip kung paano ba kita babalikan
Nalulumbay ako sa gitna ng kawalan 
Umaasang muli kitang mahahagkan

Ilang beses ko ng sinubukang ibaon sa limot
Pero bumabalik pa rin ang hapdi at kirot
Tuluyan kang mawala, ang aking kinakatakot
Ang pag-asa ay kailan ko kaya maabot

Heto na naman ako sobrang nahihirapan
Sa bawat araw ay lubhang nasasaktan
Makakamit ko pa kaya ang iyong kapatawaran
Sa lahat ng nagawa kong kasalanan

Kalawakan ay magkasama nating liparin
Mga bituin ay masigla nating abutin
Ang kalahating buwan ay sabay nating buoin
Magkaharap nating yakapin ng mahigpit ang hangin

Patilain mo ang ulan na sa mata ko nagmumula
Bumuo na tayo ng panibagong simula
Sigaw ng puso ko ay iyo nang dinggin
Muling ibalik pag-ibig na dati ng naging akin

-Ej

Tuesday, March 3, 2020

ALAALA





Tayong dalawa'y nagtagpo, pagmamahala’y napuno
Sa ilalalim ng puno ating sumpa sa isat isa’y nabuo
Mga katagang “mahal kita” iyong sinambit
Puso ko’y nagalak at kinilig
Simpleng ngiti mo’y tumutunaw na saking puso
Mga yakap mo’y nagsasabing ako'y iyo
At mga halik mong kay tamis
Hindi ko naisip na itoy mangyayari sakin
Na ikay makikilala’t mapapasakin
Mamahalin at ako’y ituturing na parang prinsesa
Kaya ako'y nagpapasalamat na ikay aking nakilala
Ang taong nagbigay kulay sa mundo kong halos wala na
Hindi ko inakala na sa ilalim ng puno ng manga
Magsisimula ang mga alaala’t pagibig nating nadarama

-Lia