Sa pagpikit ng aking mga mata
Ibang mundo ang aking nakita
Para akong nasa isang pantasiya
Na nababalot ng iba't ibang hiwaga
Aking nilibot ang ganda ng mundong ito
Kahanga hanga mga bagay na nakapalibot dito
Mga bagay na makikita mo lang sa imahinasyon mo
Mga bagay na hindi mo makikita sa ating mundo
Aking mga mata'y nagmamasid
Dahil sa sobrang tahimik nitong paligid
Nang makita ikaw sa isang gilid
Nakatayo na tila may malalim na iniisip
Ako sana'y lalapit sayo, ngunit bigla kang lumingon sa direksiyon ko
Mga mata mong mapupungay ay nakatingin sa mga mata ko
Lungkot, saya at pighati nababasa ko dito
Habang mga paa mo'y humahakbang patungo sa kinatatayuan ko
Ako ay unti unti ding lumapit sayo
Pinagmamasdan ang ganda ng mukha mo
Hindi ko alam kong bakit ganito yong pakiramdam ko
Pakiramdam na parang ikaw ay kilala ko
Sa aking paglapit sa tabi mo
Mga luha'y unti unting dumadaloy sa mga mata ko
Inaalala kong sino ka ba sa buhay ko
Bakit ako ay nasasabik sa pagdating mo?
Iyong hinawakan ang mga pisngi ko
Mga mata mong parang nangungulila sa pagkawala ko
Ramdam ko ang pagmamahal mo
Ramdam ko din ang pagmamahal ko sayo
Dapat ay ibubuka mo na ang mga labi mo
Naghihintay sa mga salitang sasambitin mo
Nang magising akong may luha sa mga mata ko
Nalamang panaginip lang pala ito
Ngunit bakit yong kirot saking dibdib ay nanatili dito?
Bakit parang sinasabi na totoo lahat ng nangyari sa panaginip ko?
Na talagang may ikaw at ako na nagmamahalan dito sa mundo
O sadyang hangal lang ang puso ko na makaramdam ng totoong pag-ibig sa ibang tao
Hindi ko man alam ang dahilan sa mga nangyayaring ito
Basta ang alam ko nakita ko ang mga mukha mo
Mga mata mong galak ng makita din ako
Na kahit minsan sa buhay ko kahit sa panaginip lang ikaw ay nakilala ko
-by Lia