Sana'y mabasa mo itong aking katha
Umaamin sa'yo gamit ang isang tula
Tula para sa babaeng aking minamahal
Gamit ang tradisyong sinluma pa ni Rizal
Hindi ko intensyon to, hiniling o pinlano
Pasensya kana nagkaroon ako ng nararamdaman sayo
Habang tumatagal patuloy na lumalalim to
At katangian mo ang dahilan para mahulog ako sayo
Kaibigan lang kita, oo alam ko
Tanggap ko ring hindi magkakaroon ng tayo
At hindi kita pwedeng gawing mundo ko
Dahil maliwanag pa sa buwan na magkaibigan lang tayo
Alam kong hindi ako ganon ka gwapo
Alam kong hindi ako lalaking pinapangarap mo
Alam kong hindi ako ang lalaking tipo mo
Pero iingatan kita kagaya ng Diyos sa'yo.
Hindi ko alam kung pano sisimulan
Na sabihin sayo ang aking nararamdaman
Dahil ayoko mawala ang isang kaibigan
Na kahit kailanman hindi na mapapalitan
Pero mas pipiliin ko na maging isang kaibigan
Dahil sa relasyon tayo'y walang patutunguhan
Pero sana naman iyong mabatid
Na ako'y naghihintay pag handa kana ulit.
Isang beses akoy Nagtapat sa'yo
Wala kang imik nginitian mo lang ako
Hindi malinaw saken yun kaya pinatunayan ko
Na sa iyo ako na ay seryoso
Sabi mo hanggang kaibigan mo lang ako
At maghanap nalang ako na mas higit sa'yo
Dahil ang tulad mo ay ayaw na muli ng laro
Pasensya na mahal ko hindi ako ganon kadali sumuko.
Para sayo nandito lang ako
Pangako Kaibigan mo ko hanggang sa dulo
Dahil ikaw ang inspirasyon ko
Habang tinutupad ko mga pangarap ko
No comments:
Post a Comment