Wednesday, March 11, 2020

HAPPY PILL


Masaya, masaya lang tayo noon 
Tila walang pinoproblema, tila walang inaalala 
Masayang nagpupunta sa lugar kung saan tayo ay nagsimula
Masayang nag uusap kasabay ng halakhak at tuwa

Aaminin ko na batid ko ang saya sa tuwing ika'y nakakasama
Aaminin ko na hatid mo'y ligaya
'pagkat ginto ang masilayan ka
Sa bawat ngiti mo ay aminadong nahuhulog... nang nahuhulog ako sa'yo
At sa bawat yakap mo'y tila parang langit ang nasisilayan ko

Humihiling, nangangarap, nagtatanong kay bathala 
Kelan nga ba ang lahat ay muli nating magagawa?
Kailan nga ba tayo muling magkikita? 
Matagal na panahon na rin kasing wala tayong gala
Ngunit ano nga bang magagawa kung tayo'y sadyang magkalayo, 'di na nagkita? 

Alaala nati'y kumakawala, nagwawala
Natatandaang kahit saan, kahit kailan
At kahit anong oras pa man yan ay gagawa at gagawa ng paraan upang ika'y masilaya't matagpuan
Dahil ang makapiling ka ay lubos sa aking kasiyahan

Labis ngang kay saya ngunit para bang may kulang pa na sa isipan ko'y tumatakbo 
Tila ba mayroong hangad na dapat ay matupad
Wari'y di ko pa ba nakukumpleto ang tungkol sa ating dalawa
Na mga katagang "kelan nga ba magiging tayo"? 
Upang ang mapagISA ang katagang DALAWA.

-Chambee

1 comment: