Wag ako, wag ako ang pagtripan mo
Wag ako ang lokohin mo
Wag ako na inaalala lagi kalagayan mo
Wag ako na laging hangad kasiyahan mo
Alam mo na ang puso ko ay tumitibok sayo
Ngunit bakit ang lakas ng loob mong magsabing mahal mo ako?
Mahal mo ako, yun ang sabi mo ngunit hindi naman pala totoo
Sabi mo sinubukan mo lang talaga kong may pagtingin ako sayo
Kahit alam ko na, bat parang ang sakit padin?
Bakit parang hindi ko padin tanggap?
Ganyan nalang ba ang turing mo sakin?
Ang pagtripan ako sa oras na wala ka ng magawa sa buhay mo
Kaya sinasabi ko sayo, sana naman wag ako
Wag ako, isipin mo man lang nararamdaman ko
Isipin mo din naman na nasasaktan ako, na may puso ako
Kaya sinabi ko sayo parang awa mo na wag ako!
- Lia
No comments:
Post a Comment