Thursday, March 5, 2020

LOVE


Nagsimula sa simpleng paghanga 
Di namalayang lumala
Mabilis na pintig ng puso
Ikaw ang siyang may gawa

Damdamin ko'y di mawari
Pag-ibig ko'y walang hanggan
Bawat pagsikat ng araw 
Presensiya mo'y gustong maramdaman

Ikaw ang nagbigay liwanag
Sa mundo kong puno ng kadiliman
Sa simpleng ikaw na aking hinangaan
Mundo ko'y napunan mo ng kulay

Bawat ngiti sa aking puso
Ikaw ang naaalala ko
Tanging hiling lang sa may kapal
Ikaw at ako sana'y magtagal

Ikaw ang gusto kong makasama
Hanggang sa aking pagtanda
Mundo ko'y di mawari
Pag ikaw pa ay mawala

-Arlene

No comments:

Post a Comment