Akala ko noong una totoo,
Totoo lahat ng pagmamahal na pinakita mo
Yong hawak mo sa mga kamay ko
Lambing na bumubuo ng araw ko
Ginawa ko naman lahat ng gusto mo
Pabor ako sa lahat ng mga desisyon mo
Suportado ko kahit mali mo
Naging sunod sunuran sayo
Ngunit siguro sayo ay kulang pa
Mga bagay na halos ginawa ko na
Kahit sa panahong halos sobrang sakit na
Ako'y patuloy padin, dahil nga mahal kita
Hindi ko maikubli sakit na nadarama
Nagtatanong sa maling bagay aking ginawa
Nagbabakasakaling itoy biro lamang
Nagbabakasakaling panaginip lang
Ngayon ako'y natauhan na
Siguro nga ako'y di mo mahal talaga
Tamang bigay kalang ng maling malisya
Ngunit bat ako? ako pa na tanging mali lang ay ang ibigin ka?
-Lia
No comments:
Post a Comment