Maraming tanong sa aking isipan
Na kasagutan ay di masumpungan
Paano't saan tutungo ang kaalaman
Kung tao'y di ito malaman
Sa buhay ng taong nahihirapan sa mundo
Kahulugan nito'y parang isang abo
Sa ihip ng hangin sumasabay ito
Kahulugan nito tila'y nilimot mo
Kasagutang hanap mo sa Diyos makikita
Gumawa ng lahat sa mundo ay nakikita
Lapitan mo sya't iyong madarama
Kasagutan sa buhay na ating tinatamasa
-Isabel M.
No comments:
Post a Comment