Masaya naman ako kahit pamilya'y hindi buo
Dahil sa barkada napunan pagkukulang nyo
Pero ito'y nagbago simula ng mamulat ako
Mamulat na ito pala ay problemang seryoso
Magisa na lang ako pakiramdam ko
Dahil sa ako'y lumaki malayo sa inyo
Pero pinilit kong buoin sarili ko kahit wala kayo
Sa tulong ng Diyos, kaibigan, at pagbabasa ng libro
Nagpapasalamat ako hindi dahil sa wala kayo
Kundi dahil ito ang dahilan para maging matatag ako
Pero ang totoo hindi ko kaya mag-isa 'to
Ma, Pa, namimiss ko na kayo
Gamit itong tula sana naman maisip ninyo
Ma, Pa, tama na. Kami na naaapektuhan dito
Pero minsan naisip ko mas ayos na rin ito
Ayoko kase nakikitang nagsasakitan mga mahal ko
Kaya nag-aral ng kolehiyo
Baka sakaling mabuo ulit pamilyang ito
Pero mukha yatang mahihirapan ako
Wala na kaseng lumalaban para makumpleto tayo
At kung ako ay mabigo na ayusin 'to
Gagawin ko na lamang aral ang natutunan ko
Dahil isang araw magkakapamilya din ako
At upang hindi ulitin ang mga pagkakamali ninyo
Ma, Pa, sana maging masaya kayo
Dahil ako mismo ang magsasabing naging mabuti kayo
At hindi kayo nabigo sa pagpapalaki ninyo
Dahil kaya ko nang harapin ang delikadong mundo
I admire you!
ReplyDelete🤗🤗
Delete